#TamangPanahon na ba sa Sabado para magkrus ang landas ng #Aldub?

Sina "Pambansang Bae" Alden Richards at "Yaya Dub" Maine Mendoza ay parehong nakatakdang maging bahagi ng mga production numbers ng wildcard round ng "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" sa Eat Bulaga nitong darating na Sabado.
 
#TamangPanahon na ba upang sa wakas ay magtagpo na ang #Aldub love team?
 
"Hindi ko pa alam. Sana," sagot ni Alden nang tanungin ng GMA News Online. 
 
Ang alam niya ay mahusay na performance ang makikita ng mga fans ng Eat Bulaga.
 
"What we promise the Dabarkads is that we're gonna go all out this Saturday #DabarkadsPaMore wildcard edition," sabi ni Alden.
 
Matagal na niyang gusto magpamalas ng kakayahan niya sa aksyon.
 
"[It's] Something I've been longing to do before. It's a sing and dance prod with stunts. Sana magustuhan nila," banggit ni Alden.
 
Magkatunggali man sila ni Yaya Dub, good vibes pa rin ang ipinaparating niya sa kanyang ka-love team.
 
"Good luck and galingan natin," pahatid ni Alden sabay  "Pabebe Wave".  — Earl Victor Rosero, GMA News
#TamangPanahon na ba sa Sabado para magkrus ang landas ng #Aldub? #TamangPanahon na ba sa Sabado para magkrus ang landas ng #Aldub? Reviewed by jimdiamante on 7:00 PM Rating: 5

No comments:

You can comment via Facebook!

Note: Only a member of this blog may post a comment.