Paano ba manligaw ang isang Pambansang Bae?

Nadelay man ang flight ni Pambansang Bae Alden Richards papuntang Cebu para sa Kapuso Fans day sa Gaisano Island Mall Mactan ay nakarating pa rin ang Kapuso hunk sa event para makisaya at magpasalamat sa kanyang mga Cebuano fans.
  
Sa live interview ni Alden kay Iya Villania sa 24 Oras (October 2), sobra-sobra daw ang pagmamahal na nararamdaman niya sa kanyang mga Cebuano fans.
 
“You know what Iya, I’ve been to Cebu a lot of times pero I’ve never felt so loved by the Kapusong Cebuanos here. Kaya excited na ako magperform sa kanila tonight”
 
“I just enjoy every moment. I mean how many lifetimes ang darating sa akin for me to experience this. So, I’m just enjoying every moment. All Glory to God.” aniya.
 
Pati mga Pinoy sa ibang bansa hooked na rin sa kilig love team nila ni Yaya Dub at kahit mga international at local celebrities nagiging fans na rin ng AlDub.
 
Kaya naman thankful daw sila ng kapareha niya na si Maine Mendoza sa lahat ng tinatamasa nilang blessings.
 
“Kasi we feel so much love hindi lang dito sa Philippines but [from] around the world. We imbibe the positivity that’s why we're just so grateful and very thankful to the fans. Maine [Mendoza] and I, were very grateful.”
 
Diretsahan din tinanong ni Iya si Alden kung ganun din ba siya kadevoted in real life na manligaw sa babaeng gusto niya tulad ng ginagawa niyang panliligaw kay Yaya Dub. Sagot ng binata, “More. Sobra pa.” 
Paano ba manligaw ang isang Pambansang Bae? Paano ba manligaw ang isang Pambansang Bae? Reviewed by jimdiamante on 11:33 PM Rating: 5

No comments:

You can comment via Facebook!

Note: Only a member of this blog may post a comment.