Tisoy, Abot Kamay Mo Na!

For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn’t have a prayer, didn’t have a clue
Then out of the blue..
Ilang pagsubok na ang dumaan sa buhay mo. Ilang beses mo nang tinanong, “Bakit ako?” Ilang beses ka nang halos sumuko, pero pinaglaban mo. Ganyan ka pinalaki ng mga magulang mo- matatag, sa anumang hamon ng walang habag na mundo. Kaya siguro ang Diyos, kumakampi sa iyo ng todo. Binigay nya sa iyo ang sa katagal-tagal nang panahon na hinahanap mo.
You never thought this was going to go the distance. Nasanay ka na sa mundo ng teatro. Alam mo na ito ay mapusok, mapanlinlang, huwad. So you tried holding back. Sinubukan mong ingatan ang iyong puso. I sensed that right away, dude. You tried to protect yourself. Napagdaanan mo na to, this is not something new. You’ve been hurt before, hindi ka na magpapaloko.

Ngunit sadyang mabait sa iyo ang tadhana. Hindi mo binalak, hindi mo inakala. Hindi mo inasahan na darating sya. Serendipity daw sabi nila. Siguro nga. Talaga naman kasing pinagpapala ang taong tulad mo na likas na mapagkumbaba, may takot sa Diyos, may paggalang sa kapwa.
Si Meng. Siya ang gantimpala mo. “You didn’t have a prayer, you didn’t have a clue, but then out of the blue”– binigay sya sayo. Simula nun, andami nang nagbago sa buhay mo. Mas lalo kang hinangaan ng tao. Ang Kalyeserye nyo, naging patok sa buong mundo. Mapababae man o mapalalaki, bata o matanda, walang nakawala- lahat ay nahumaling sa istorya ng umuusbong na pag-iibigan nyo ni Meng.
Nung una ay kitang-kita mo ang kanyang paghanga. Hindi maikaila, masyado syang mapahayag sa nararamdaman nya. Kaya naman ikaw, nag-aalinlangan na. Ang tanong mo sa iyong sarili, “Eto na nga ba? Hindi ka pa sigurado kung ready ka na nga. Hanggang dumating ang araw na kayo ay nagkita. Ibang hatak ang iyong nadarama. Naguguluhan ka ngunit gumagaan ang loob mo sa kanya. Hindi mo maintindihan, hindi mo maunawaan. Eto na nga ba ang iyong magpakailanman?
Kaya tuwang-tuwa ka, nung sinabi ni lola na pwede ka nang sumuyo. Pinaghandaan mo ng sobra ang pag akyat mo ng ligaw sa dalaga. Sa harana mo, sinong puso ang hindi manghihina. Ngunit si Meng, napapailing lang sya. Di bale, pupuntahan mo naman sya, makakasama mo na ang napakagandang prinsesa, kahit ilang saglit lang, alam mo magiging masayang-masaya ka.
God gave me you to show me what’s real
There’s more to life than just how I feel
And all that I’m worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn’t know why
Now I do, ’cause God gave me you
Malayo ang nilakbay mo, hanggang dumating ka na nga. Pagpasok mo sa mansion, hinahanap mo na sya. Nung pinasyal ka ng mga lola, pinapakita yung mga lumang larawan nila, pilit mong pinalalabas na interesado ka. Pero paggalang mo lang yun sa kanila. I know it was all a haze, ni hindi mo na maalala ang mga sandaling yun. Kasi, si Meng lang ang hinahanap mo. Sya lang ang nasa isip mo. “Asan na sya? Kelan ko sya makikita?” Pabalik-balik sa diwa mo.
Kaya nung pinaupo ka na sa sofa, ang lakas na ng tibok ng puso mo. Eto na sya, papanaug na ng hagdanan. Sumilip ka pa, para bang di ka makapaghintay, eh sandali lang naman bubungad na sya sa iyo ng buong-buo, pero sumilip ka pa rin. Inaaninag mo. Kaytagal ng mga segundo! Parang nag e slow-mo ang boung mundo!
Hanggang tuluyan mo na ngang masilayan ang mala-diwatang kagandahan ni Meng. Napatayo ka! Napangiti ka ng sobra. Kilala ko ang ngiting yun, hindi papoging ngiti yun. Nawala lahat ang poise mo! Natutulala ka pa nung binibigay mo ang mga bulaklak mong dala. Di mo alam anong gagawin. At nasabi mo na lang, “Ok ka lang ba?” Sumagot sya, “Ok lang”. Ayun, nabaliw na ang mga lola! Pero ikaw, todo focus mo sa babaeng nasa harap mo. Pinipisil-pisil mo ang mga daliri sa mga kamay mo, niyayakap mo mga binti mo, balisa ka, hindi ka mapakali. “All that I’m worth is right before my eyes” Bumalik sa isip mo ang linyang yun. Andyan na sya. Ang halaga ng boung buhay mo, ang dahilan kung bakit ipinanganak ka sa mundong ito, nandyan na sya, nasa harap mo na.
For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I’m finally free
I truly believe
Sumagi sa isip mo ang lahat ng nangyari sa nagdaang lampas sampung linggo. Dati naman alam mo may doubts ka. Akala mo aktingan lang, pampasaya lang. Laking gulat mo nang isang araw, nalaman mo na lang, nahuhulog ka na. Pilit mong pinigilan, pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Kung kelan ayaw mo pa sana muna, saka mo naramdaman na hindi mo na talaga kaya. Mahirap kalabanin ang damdaming inaalagaan, iniingatan.
Yan ang napala mo kaka-stalk sa kanya. Wag mo nang i-deny, wala ding maniniwala. Ginusto mong makilala sya, malaman ang boung buhay nya. Napasobra ang alaga mo sa nararamdaman mo para sa kanya, hanggang napuno ka at di mo na naitatago pa. Hindi mo na alintana ang nakaraan. Tuluyan ka nang nabighani. Nawala nang lahat ang mga hinagpis mo, parang nagbago ang iyong mundo. Lahat ng pag-aalinlangan, mga pangamba, biglang naglaho nung makasama mo sya. Kung dati nakakulong ka pa sa mga karanasang binigay sa iyo ng napakalupit mong mundo, ngayon, sabi nga dun sa kanta, “From every doubt I had, I’m finally free!” Malaya ka na. Malayang-malaya ka na.
God gave me you to show me what’s real
There’s more to life than just how I feel
And all that I’m worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn’t know why
Now I do, ’cause God gave me you
Kaya napakasaya mo! Habang pinaglalapit kayo, nahihirapan kang pigilan ang sarili mo. Nung unang magdikit yung mga balat nyo, naitulak lang ni Lola Tinidora si Meng. Pero ramdam mo yun. Ramdam na ramdam mo yun. Napatingin ka sa braso mo, napahipo ka sa parte kung saan nagkalapat yung mga balat nyo. Si Meng, napatingin sya sa iyo. Parang nagtatanong, “Ano yun?” It was the slightest of touch, but why does it burn too much? You can never forget that sensation. Hanggang ngayon, I know, napapatingin ka pa rin paminsan-minsan sa braso mo. Dito yun. Ramdam mo pa rin ang munting init na yun.
Nung pinag dubsmash na ang linyang “God Gave Me You”, eh dba napaiyak ka nung kinakanta mo? Ngayon uli, nangingilid na naman ang luha sa mga mata mo. Pero dapat wag pahalata, nakatitig si Meng. Isang bihirang pagkakataon na nakatitig sya sayo, kasi ikaw ang hindi makatingin. Naluluha ka. Sobra. Kaya dinaan mo na lang sa tawa, sabay pahid. Pero nakita ni Meng yun, at napapangiti sya.
Tinatanong ka nya kung kakanta kaba, sinabi mo tapos na. Kaya pala, di pala nya nakita nung binuhos mo ang puso’t kaluluwa mo sa pagkanta. Sayang, pero me replay nga naman, sigurado ako, mapapaluha sya pag napanood na nya. Kahit pusong bato mapapaluha sa ginawa mo. Inaamin ko, napasobra din nang konti ang emosyon ko, kaya napasabay ako sa pagluha mo. Konti lang naman. Sabihin na lang natin ng ganyan. Nakakahiya din eh, kalalaki kong tao.
In your arms I’m someone new
With ever tender kiss from you
Oh, must confess
I’ve been blessed
Balik tayo sa mesa, nagka chance ka to get a tender kiss, hindi man direkta pero ganun na rin yun. Sinunggaban mo ang pagkakataon. Akala mo di namin mapapansin. Akala mo di nya mapapansin. Akala mo lang yun. Hinimud ng bibig mo ang tinidor na dumapo sa matatamis na labi ni Meng. Dalawang beses, dude. Sa pansit tsaka sa cake. At sinundan pa ng labi mo ang lapat ng lipstick niya sa basong pina-inuman mo sa kanya. Sinadya mo, wala sa script yun. Patago. Ginawa mo nung na distract sya, nung di sya nakatingin sa yo. Pero me replay nga dba? Wala kang kawala sa prinsesa. You now know that she knows. And I know, masaya ka na alam na nya.
Nagbunyi ang boung mundo nang umiinom si Meng sa baso at nahawakan niya ang kanang kamay mo. Sabi ko, aba, me da moves na rin ang Meng namin! Pero nakita ko, di ka nagpatalo, hinawakan mo rin ang kanang kamay nya, dun sa likod ng baso. She was touching the back of your hand, but you wanted to touch hers too. Iba ang pakiramdam pag ikaw ang humahawak kesa ikaw ang hinahawakan. Hinding-hindi mo palalagpasin ang pagkakataon na yun. Magalit na si Lola, aksidente lang naman, pasensyahan na.
Sa mga mumunting moments na yun, that’s when you knew. “I’ve been blessed.” Talaga nga palang pinagpala ka.
God gave me you to show me what’s real
There’s more to life than just how I feel
And all that I’m worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn’t know why
Now I do, ’cause God gave me you
Totoo na talaga. Pati picture na kayo ay magkasama, hindi na edited, hindi na photoshop, totoo na. Hindi ka makapaniwala, hindi na one foot ang pagitan nyong dalawa, kaya pinagpapawisan ka. Andyan pa rin kasi sya, nasa harap mo na. Di sya makatitig sa yo, sobrang na conscious, kasi ang lapit-lapit mo. Ilang beses nyang sinubukan, at ilang beses syang nabigo. Masyadong malakas ang dating mo, di nya kinaya ang appeal mo.
Pero ikaw din naman. Kunyaring in control, pero di maalis ang tingin mo sa kanya. Pinagpapawisan na para bang malamig na Coca Cola. Halos magkandarapa ka sa kilig. Eto na kasi sya, nasa tabi mo na. Ang bango-bango ng buhok nya. Kita ko yun, inamoy mo. Banayad lang ang tulak ni Lola Tinidora sa yo, tinodo mo. Akala ko hahalikan mo na, buti na lang nakapagpigil ka. Pero dun ka talaga sumilong sa may leeg nya, sabay amoy sa halimuyak ng buhok nya. Wag kang masyadong padadala, baka masanay ka. Hahanap-hanapin mo pa.
Sa pag alis mo ng mansion, may liham syang inabot. For your eyes only daw, kaya wala na kami dun. Pero bakas sa iyo ang lubos na kasiyahan. Nang nasa labas ka na, ang amo ng iyong mukha, nagpapahiwatig na sa araw na ito naging kumpleto ka. Hindi ka makaalis ng mabilisan, tinititigan mo pa rin sya. Nilulunod mo ang mga mata mo sa kagandahan ng tanawing nakaladlad sa yo. Iniisip mo, kelan ko uli matatamasa ito.
At napangiti ka dahil nauunawaan mo na. Malapit na. Malapit na malapit na.
Ang Tamang Panahon. Abot kamay mo na. ~ Vilo
Reviewed by jimdiamante on 1:34 AM Rating: 5

No comments:

You can comment via Facebook!

Note: Only a member of this blog may post a comment.