Hindi lingid sa kaalaman ng halos lahat ng sumusubaybay sa KalyeSerye ng Eat Bulaga na marami na ang mga artist na nai-inspire gumawa ng iba't ibang katha para sa phenomenal loveteam nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
Bukod sa mga fan art gaya ng drawings, paintings, at digitally-edited portraits, marami na rin ang nag-aalay ng kanta para sa AlDub at sa kanilang nakatutuwa at unique na split-screen love story.
Kabilang sa mga lumikha ng awitin para kay Yaya Dub ang acoustic singer na si Jimmy Bondoc, pati na ang Filipino-Canadian internet sensation na si Mikey Bustos.
Inihandog rin ng batikang singer at songwriter na si Ogie Alcasid ang kaniyang bagong awitin sa AlDub.
Maraming fans na rin ang nag-trend sa social media dahil sa kanilang mga orihinal na kanta na ginawa nila para sa AlDub, o iniaalay nila para sa phenomenal love team.
Isa na rito ang “Awit ng Pag-ibig” na gawa ni Julius Legaspi, isang visual artist na na-inspire umano ng kakaibang love story ng AlDub. Saktong-sakto raw ang lyrics ng kantang ginawa niya ilang taon na ang nakararaan para sa lahat ng ipinadarama nina Alden at Yaya Dub sa mga manonood kaya naman inialay niya ang kaniyang kanta sa kanila.
Ayon kay Julius sa panayam sa GMA News Online, “For me, love should be natural, realistic, organic, hindi fake. 'Yan ang mga nakikita ko sa loveteam nila, and from there, madali nang mag-express kung ano ang nasa loobin ng isang artist kasi iinterpret mo na lang 'yung mga nararamdaman mo na nakikita sa mga actions nila.”
“Kung mapapansin kasi ang love team nila, bihira ang mga salitaan. Halos puro body language, facial expression, at iyon ang napaka-exciting gawan ng lyrics. Nakaka-excite iinterpret,” dagdag pa niya.
Im sorry.. hindi ko na maitago.... aaminin kong pati ako kinikilig sa ALDUB loveteam na yan.. ahehehe , at ayan gumawa pa ako photo compiliation using ang isang original composition ko called "Awiit ng Pag-ibig" gawa ko ang lyrics at melody, interpreted by May Laxamana, done at Monopond Recording Studio.saktong sakto sa kanila ang lyrics , enjoy listening =)"Awit ng Pag-ibig"Kahit malayo ka'yParang malapit rinRamdam ko ang initInit ng iyong halikGusto kong lumipadLanguyin ang lalim ng dagatMakapiling ka lngIpadama ang pag ibigKung kaya ko lamangItigil ang orasBaguhin ang tadhanangNakaukit sa ating paladGusto ko mang pigilan ka'tHabang buhay na aawitan paMakapiling ka lngIpadama ang pag ibigDarating rin ang oras, na tayoy kanyang pag bibigyanDarating rin ang panahong makakapiling kitang muliWalang halong pag aalinlanganNagkusa ang mga damdaminBuong pusong inaalay ang pag ibigWalang halong pagkukunwariNagsumpaan sa harap ng bahag hariAkoy maghihintay sa iyo...#ALDubEBforLOVE #Kalyeserye #AlDub
Posted by Julius Legaspi on Tuesday, September 29, 2015
Naniniwala raw siya na isa sa mga inspirasyong nabibigay ng AlDub sa mga kagaya niyang artist ay ang simpleng kaligayahan na naihahatid nila sa pamamagitan ng isang simpleng kuwento na mayroong bahid ng katotohanan sa tunay na buhay.
Gaya ng sinumang artist, nanggagaling rin umano ang hugot niya sa real-life experiences na kadalasang napapanood sa Kalyeserye.
“Nai-inspire ang mga artist sa mga bagay na magaganda, sa mga experience na minsan siguro nilang napagdaanan, sa mga frustrations, simple happiness,” paliwanag ni Julius.
Dagdag pa niya, '”Yan kasi ang ingredients ng Aldub loveteam. Magkaibang mundo at estado sa buhay, malayong distance ng pag-iibigan, mga pagsubok
Visual artist and composer explains why AlDub inspires art creations
Reviewed by jimdiamante
on
1:21 AM
Rating:
No comments:
You can comment via Facebook!
Note: Only a member of this blog may post a comment.