Maine Mendoza on Alden Richards: "He is a gentleman and funny... funny-walain!"


Napatunayan daw ni Maine Mendoza sa kanyang sarili na totoo ang sinasabi ng lahat na isa ngang gentleman si Alden Richards. Pahayag naman dito ng Pambansang Bae, “I have this sense na... kagaya po nung nasa Enchanted [Kingdom] kami last Saturday, I have this sense of being protective lang in terms of times like that. Yun nga po, being a gentleman is also part of protecting the girl. So, I’m just doing the right thing...”
PHOTO: NOEL ORSAL

Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap si Maine Mendoza sa napakaraming miyembro ng press para sa presscon ng una niyang pelikula.
Ito ay ang My Bebe Love (#KiligPaMore) na ginanap nitong Miyerkules ng gabi, December 9, sa The Circle Events Place, sa Timog Avenue cor. Quezon Avenue, Quezon City.
Kasama ni Maine sa presscon ang co-stars niyang sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, Valeen Montenegro, at siyempre pa ang kanyang ka-love team at kalahati ng AlDub—si Alden Richards.
Ito ang unang pagkakataong nakausap ng maraming entertainment press si Maine pagkalipas ng limang buwan niya sa showbiz.
Unang nakilala si Maine bilang Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!, kung saan nabuo ang phenomenal love team nila ni Alden.
Bagamat sinabi ni Maine na kinabahan siya nang kaunti sa unang pagharap niya sa isang malaking presscon, kumportableng-kumportable siya habang sinasagot ang lahat ng mga tanong ng press.
Pahayag niya, “Honestly po, kinakabahan po ako nang very light nung una, kasi first time nga po.
“Hindi ako sanay na humarap talaga sa maraming tao, kaya eto po.
“Feeling ko naman, carry naman, nawawala na yung kaba ko kasi nandito naman si... si Alden.”
GREAT EXPECTATIONS. Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden ay tinanong namin siya kung na-meet ba ang expectations niya tungkol kay Maine nang magkaroon na sila ng pagkakataong makilala ang isa’t isa.
Ayon sa Pambansang Bae, kung ano ang ini-expect niya ay iyon ang nakuha niya.
Kaya sa presscon kahapon ay si Maine naman ang tinanong ng PEP kung na-meet ba ang expectations niya tungkol kay Alden.
Sagot ng 20-year-old newbie actress, “Actually, wala naman po akong expectations sa kanya.
“First impression ko kasi sa kanya is parang tahimik, alam mo yun, parang makulit din. Medyo pabebe rin!

Maine Mendoza on Alden Richards: "He is a gentleman and funny... funny-walain!" Maine Mendoza on Alden Richards: "He is a gentleman and funny... funny-walain!" Reviewed by jimdiamante on 12:36 AM Rating: 5

No comments:

You can comment via Facebook!

Note: Only a member of this blog may post a comment.