Alden Richards to open cafe-restaurant in Tagaytay

Nasasabik na ang Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” host na si Alden Richards sa pagbubukas ng kaniyang pinakabagong negosyo sa Tagaytay—ang Concha's Garden Cafe.

Sa isang Facebook post, inanyayahan ng Kapuso heartthrob ang lahat sa pagbubukas ng nasabing restaurant sa Cliffhouse Tagaytay ngayong Abril.



Coming soon at Cliff House Tagaytay. 
Posted by Alden Richards on Friday, April 1, 2016


Ayon naman sa post ng Concha's Garden Cafe na pag-aari ng aktor, 28 araw na lamang ang hihintayin at magbubukas na ang kanilang ikalawang branch.



Someone's excited to open his own business. #28daystogo
Posted by Concha's Garden Café on Friday, April 1, 2016

Bukod sa pagnenegosyo, abala rin si Alden sa iba't ibang programang kaniyang pinagbibidahan, kabilang na ang noontime show na “Eat Bulaga!” at ang weekly comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”
Pinaghahandaan rin ng binata ang sorpresa nila ng katambal at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza para sa kanilang mga tagahanga ngayong darating na Hulyo, kasabay ng first anniversary ng kanilang phenomenal loveteam. — APG, GMA News
Alden Richards to open cafe-restaurant in Tagaytay Alden Richards to open cafe-restaurant in Tagaytay Reviewed by jimdiamante on 2:54 AM Rating: 5

No comments:

You can comment via Facebook!

Note: Only a member of this blog may post a comment.