Alden Richards, hindi raw scripted ang mga ginagawa para kay Maine Mendoza

Kasabay ng pagtakbo ng kwento sa Kalye-serye kung saan nabuo ang AlDub love team, hindi maitatangging lumago na rin ang pagsasamahan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang kanilang kilig at pagpapakilig nagiging makatotohanan na.


A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) on


Nagkakamabutihan na ba talaga ang dalawa?
"Kung ano po 'yung ginagawa ko for Maine, I'm happy and I'm doing that out of free will. Hindi po pilit, walang nag-plant, walang nagsabi. Up to this point po, we're still having fun but [we're] still getting to know each other," pag-amin ng Pambasang Bae sa 24 Oras.

Naghayag naman ng suporta ang kapatid ni Alden na si Riza. Aniya, "Pag nakikita ko po siyang masaya 'pag kasama si Maine, masaya na rin po kami."

Ayon sa ulat ay kinakasa na ang upcoming movie nina Alden at Maine. Sa ngayon, mapapanood ang phenomenal tandem sa isang matinding aktingan sa Lenten special ng Eat Bulaga sa Holy Wednesday na pinamagatang 'God Gave Me You.'


Kwento ng aktor, "First heavy drama project namin 'to ni Maine so medyo unti-unti nang natutupad 'yung dream projects ko with her."

Excited na rin daw si Alden sa kanyang upcoming concert sa Ynares Center sa Antipolo ngayong Biyernes, March 18.

"Nandyan si Mike Tan, nandyan si Andrea Torres, si Boobsie, si Ate Reg (Regine Velasquez). Nandyan si Kim Idol. Maraming guests," sambit niya.

© | GMANetwork.com
Alden Richards, hindi raw scripted ang mga ginagawa para kay Maine Mendoza Alden Richards, hindi raw scripted ang mga ginagawa para kay Maine Mendoza Reviewed by jimdiamante on 12:18 AM Rating: 5

No comments:

You can comment via Facebook!

Note: Only a member of this blog may post a comment.